Friday 18 October 2024

Bulaklak at Paruparo


Isa sa aking mga libangan noong aking kabataan ay ang paglikha ng mga tula. Narito ang isa sa aking mga naisulat. Nailimbag ko ito noong ika-18 ng Hulyo taong 1994, sa may aming tahanan sa Cupang, Balanga City, Bataan, Philippines.

Narito ang tula. 

Bulaklak at Paruparo
July 18, 1994
(C) Joseph Raymund Evangelista  Enriquez

Sa harap ng aming tahanan,
May malalagong halaman,
Bulaklak nila ay magaganda,
Mabango't kahali-halina.

Kung bakit sa tuwi-tuwina,
Iba't iba ang bumibisita,
Sarisaring mga paruparo,
Kulay nila ay pakakaganda.

At dito nga ay 'yong mapapansin,
Kung alin-alin ang tutunguhin,
Maririkit na mga bulaklak,
Nektar ay sinisimsim.

Kahit di-sinasadya,
Malaking tulong nagagawa,
Munting polen nalilipat
Sa iba't ibang bulaklak.

Sa bulaklak at paruparo
Dapat ay pasamalamat tayo,
Isiping dahil sa kanila
Paligid ay kaaya-aya.

Nagustuhan po ba ninyo ang aking obra maestra? I-comment ang inyong saloobin tungkol dito. 

Maraming salamat po!

travel and wander
foods and drinks
computers and internet
experience
adobo
explorer


Like CYBERTITO on Facebook:
https://www.facebook.com/cybertitojj

Follow CYBERTITO on Instagram:
https://www.instagram.com/cybertitojj

Follow CYBERTITO on Twitter:
https://twitter.com/intent/follow?screen_name=cybertitojj

Follow CYBERTITO on Pinterest:
pinterest.ph/cybertitojj

Follow CYBERTITO on Tumblr:
https://cybertitojj.tumblr.com/

Follow CYBERTITO on Blogger:
https://cybertitojj.blogspot.com/

Contact CYBERTITO via WhatsApp:
https://wa.me/639393033030/?text=Help%20me%20CYBERTITO%20

Add CYBERTITO on SnapChat:
https://www.snapchat.com/add/cybertitojj

Follow CYBERTITO on TikTok:
tiktok.com/@cybertitojj

Subscribe to CYBERTITO Youtube Channel:
https://www.youtube.com/channel/UC4wVf-ZjeCTigYmgqjSNQhA?sub_confirmation=1

Visit CYBERTITO official website!
https://cybertito.com/

Copyright (C) CYBERTITO – All Rights Reserved.

#CYBERTITO #cybertitojj #experience #adobo #explorer #YoutubeVideos #Videos

No comments:

Post a Comment

uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu

[place some description here] travel and wander foods and drinks computers and internet experience adobo explorer Like CYBERTITO on Fac...